«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Haiku ng Piso

by deegey


sukli kong piso
pinag-iisipan ko
mabibili’y ano?

mani o kendi
sumalamig di pwede
at kulang kasi

pisong lumiit
‘di matanggap ng paslit
kahit ipilit

namamalimos
piso iyong iabot
nakasimangot

ako’y lito na
wala yatang halaga
piso sa bulsa

(inspirasyon si tata raul sa paggawa ng haikung
nakakatuwa at may katotohanan)

  • Other posts by deegey
  • Share this post with friends Share this post with friends

    3 Responses to “Haiku ng Piso”

    1. Raul Funilas says:

      Deegey, salamuch bilang inspirasyon mo sa paggawa ng Haiku bagaman ang linya ko’y pulos filipino poems na may tugma at sukat.Muli, ang duyan ng aking alon ay tuloy ang pag-ugoy.

      Tuloy ang pabaga!
      Tula nang tula!

      Tata

    2. Rod Escobin - LBNHS says:

      tama talaga,lumiliit na talaga ang halaga ng piso, masakit mang tanggapin,. I can’t log-in sometimes

    3. Raul Funilas says:

      Piso ay kakulangan
      Sa isaandaang
      Piso mong kailangan.

      Pisong pinaghati
      Mo’y isang pising
      Dama ang luwalhati.

      Tula nang tula!

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!