Himok ng Laot
Kapag walang hanging buyog ang habagat
At ang regata mo’y hindi maka-usad,
Tastasin sa birga ang kinatsang layag;
Iyong isuraok sa pusod ng dagat—
Walang ililitaw sa balukay-sakag.
Aruking malalim kung ano ang dahil,
Ligligin ang burak, labo ay salain,
Itanong sa isda kung sinong salarin
At ang tubigan ko’y malala ang tabsing
Na nagdulot upang sumampa’ng hilahil.
Palipuran ng Baklad
Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna
Other posts by Raul Funilas
Share this post with friends





