Nakakadismaya Naman…
Naisip ko na ako’y lubusang pinagpalad…
Nadarama’y kasiyahang walang sing tingkad…
Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko?
Marahil ay nahawakan ko na din ang palad mo…
Kasamang naglalakad sa gitna ng daan…
Wala akong pinapansin na sinuman…
Akala moy lango sa droga, wala sa sarili…
Napansin ko nagdidikit ang ating mga daliri…
Bakit di ko subukang kunin ang kamay mo?
Ano kaya mangyayari? Wala naman mawawala…
Madalas na din nagbabangga ang ating kamay…
Parang may kakaiba na akong nadarama…
Ang oportunidad ay di na mauulit pa…
San ba huhugot ng lakas ng loob? Saan?
Ang utak at puso ay napasok sa isang hidwaan!
Di malaman ang gagawin, nagpapawis na!
Ah! Putangina… Bahala na!
Hinawakan ko na ang kamay nya…
Aba! At hindi man lang siya umalma!
Wala man lang ginawang pagpalag!
Ako’y nabalisa… Natulala!
Puso ko’y dumadagundong, kumakabog!
Humahagupit na saya ang nararamdaman…
Sana ang di na ito matapos kailanman!
Kasabay ang madla, tahimik tayong dalawa…
Alam na ang iniisip ng isa’t isa…
Maganda na sana ang katapusan…
Ngunit malupit talaga si Pareng Tadhana..
Ang aking kasiyahan ay kanyang kinuha…
Pinutol nya ang aking mahimbing na tulog…
Ang langit ko’y bigla na lamang nahulog…
Sana ay di na ako nagising pa sa realidad…
Ang realidad na di magdidikit ang ating palad…
Sana hindi na ako nagising habang buhay…
Masaya na din ako na kahit sa panaginip lang…
Nahawakan ko kamay mo, kahit isang beses lang…
Other posts by Vickturr
Share this post with friends





