«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Payak na pangarap

by deegey

Isang sikmurang kumakalam,
pagkaing panis papatulan,
paglunok ay pikit ang mata,
lunas sa buhol na bituka-
panulak, tubig na mapakla.

Kaylan ba magkakaroon ng
katuparan ang kahilingang
lumang tsinelas mapalitan,
damhin ng yayat na katawan
isang desenteng kasootan.

Na lansangan hindi pasyalan,
At ‘di bangketa ang tulugan.
Sadya bang kapalaran na ang
maging salat sa kaalaman,
at ibaon ng kamangmangan.

Karapatang ipinagkait
sa isang murang pag-iisip
katulad ng mga magulang
pagiging dukha ang larawan
hanggang sa kanilang paglisan.

Paano nga ba sisimulang
pulutin pang isa- isa at
ipunin ng isang palad
ang mga nagkalat niyang
pira-pirasong pangarap.

  • Other posts by deegey
  • Share this post with friends Share this post with friends

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!