Paglayo
Minsang tag-init
puso ay umibig
at pinuno ng awit
ang buong paligid.
Init na hatid tulad ng
katanghaliang tapat,
kapusukang gaya ng
umaalimpuyong
alon ng dagat.
Kaakibat ma’y balakid
pagmamahalan ipinilit.
Ngunit napagod din sumuko
yaong puso naging bigo,
animo’y lagas na dahong
inilipad palayo.
Sumapit ang tag-ulan
gaya ng mga luhang
pagpatak di mapigilan.
Bunga ng isang
pagmamahalan
iniluwal mula
sa sinapupunan.
Umasam na
muling matagpuan
pag-ibig na minsang
pinakawalan.
Ngunit napagod din sumuko
yaong puso naging bigo,
animo’y lagas na dahong
inilipad palayo.
Singkad ng araw at buwan
hindi na binilang,
nalimot ng tuluyan
sakit ng nakaraan.
Hilom na sugat
nag-iwan ng pilat
dulot ng pag-ibig
na kinapus- palad.
Ngayong panahon
ng tag-lagas
pahimakas sa
isang pangarap.
Napagod at sumuko
yaong pusong naging bigo
animo’y lagas na dahong
lumilipad palayo.
Other posts by deegey
Share this post with friends






June 20th, 2008 at 11:21 pm
“naglaho na ang kahapon
pagod na rin ang ngayon
may bukas pa kaya
para sa iyo at sa akin?”
Ganda ng tula mo deegey
June 8th, 2008 at 8:26 pm
deegey magaling ka, may pagka-laktawang tugma ito na may magandang kaisipan