Pulot-Gata
ayaw ko nang bitawan pa
ang iyong mga kamay.
yakapin mo ako na tila ba wala nang bukas.
lumipad tayo kung saan walang
makapipigil sa ihip ng hangin.
ngayong tayo na lamang
dalawa ang nandirito,
magkubli tayo kung saan tayo
lamang ang nagkakaunawaan.
Other posts by Neselle Magboo
Share this post with friends





