Karatula (Hoy! Hoy! Hoy! Ang Lawa’y Ayaw Dumaloy)
Sabi ng isang karatula sa daungan ng bangka sa dulo ng pritil sa Binangonan, Rizal:
“Laguna Lake Development Authority
PAUNAWA
Ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ay nakatakdang magsagawa ng malawakang PAGBUBUWAG NG ILIGAL NA PALAISDAAN (walang permit) at ng mga istruktura na may sobrang sukat kung kaya’t pinapayuhan ang mga kinauukulan na magsagawa na ng sariling pagbubuwag o SELF DEMOLITION.
LLDA MANAGEMENT”
N-atulog ang Barangay Tanod,
A-ng Kagawad ng barangay din ay natutulog;
T-initipos ang Kapitan ng barangay at inaantok
U-miskiyerda si meyor at umiwas sa gusot.
T-atlong konsehal ang kunwari’y namangka’t
U-usisaing magaling ang nangyayari sa lawa.
L-aksang suhol ang ibinulsa sa pitaka’t
O-yayi nang oyayi sa kanilang kabit na napakababata.
G-inising ng ng gobernador ang Sanggunian!
“S-isirin ninyo ang lawa!” Ang nakatawang sigaw!
A-t sinisid naman ng umaga hanggang lumubog ang araw,
P-anay paldo’t malansang isda ang nahinapanganan.
A-ng namamahala sa lawa ng Laguna’y nainggit,
N-agpalabas ng karatula’t ipinahatid ang ibig;
S-ila daw ay magbubuwag ng iligal na fishcage
I-buwag na ng sarili at ng hindi ito madimolis.
T-ao po, tao po sa inyong bahay kubo sa laot
A-t kunwari po lamang kami’y mag-aalis ng tulos.
N-asa inyo po iyon, kung magbibigay ng handog.
Mayo 29, 2008
Laguna Lake Development
Bgy. Kapitolyo, Pasig City
Other posts by Raul Funilas
Share this post with friends





