Nagmamadali
Naku! Naku!
Malapot ng mag-alas otso
Di pa rin natatapos basahin
Mga akdang naririto.
Ilang oras na ba akong naka-upo
Sa silyang sintanda na yata ng aking lolo
Narinirinig na ang tawag ng aking kapatid
Aming hapunan..hala kanina pa malamig.
Kailan naman kaya mauulit
Makapagbasa ako ng tahimik
Pitik-pitikin ang tiklado
Upang masabi laman ng isip ko.
Heto na naman….sarili pinipigalan
Tumipa ng mga letra
Tama na…tama na…
Kulang na ang pera
Pambayad ng renta
Other posts by fretzie
Share this post with friends





