Sandaling Pamamaalam
Sa pagkakahimlay sa higaang kaytagal inaring akin,
Sinasalansan sa isipan mga bagay nararapat dalhin;
Sakaling dumating ang mga araw na hindi matutunghayan
ang mga tulang iyong nakagiliwan,huwag kang magdaramdam;
Sa paghilig ng malayang kaisipan ko sa ‘yong kandungan,
Kinandili mo ang kaluluwang walang alam patunguhan;
Sinagip sa muntik nang pagkalunod sa dagat ng pag-iisa,
ako’y inaliw at pinangiti, kahit na pansamantala;
Kikipkipin ko sa paglisan ang malinamnam mong talata
na sa bawat taludtod, ihinalo’y matatamis na letra;
Ipamumulsa ang kinang ng bawat pangungusap upang sa
bawat paghugot ko’y liwanag mo ang bubulag sa mga mata;
Ako’y sandaling mawawala ngunit huwag mong kalimutang
itangi at ingatan, bakas ng alaalang maiiwan;
Huwag sana akong pabaunan ng iyong panghihinayang;
Pangakong magbabalik na muli, iyan ang pagka-asahan.
Other posts by deegey
Share this post with friends






May 31st, 2008 at 7:01 pm
hmmm..this is sad..
but still hopeful at the end.. 