Sa Isang Panaginip.. (Kay Don Bustamante ulit)
==
Sa gitna ng dilim ng gabi, nag-uumapaw ang kaligayahan sa tuwing ang antok ay unti-unting lululukob sa aking katauhan. Sa pagpikit nyaring aking mga mata, sa katahimikan ng gabi, ikaw ang aking kaulayaw sa magdamag, sa aking mga panaginip.
==
Isang panaginip na walang mukha at walang salita ang namumutawi ngunit aking nararamdaman sa iyong mga yakap ang kapayapaan at katiwasayan ng aking kaluluwa. Sa impit na mga luha, nasasabi ko ang aking mga hinaing. Sa mga halakhak na tila wala nang bukas, nabubuksan ang mga pintuang nakakakubli.
==
Nakakapanghinayang na sa panaginip lang kita nakakasama, sapagkat sa muling pagmulat ng aking mga mata, mga unan at kumot na lang ang aking nakikita…
==
Maghihintay na muli sa isang maghapon, upang pagdating ng gabi…
==
Pikit…
Yakap sa unan…
Tabon ng kumot…
Antok…
Tulog…
==
Makita’t makasama na muli kita….
==
Sa isang panaginip….
(Ito ang bunga ng pagpupuyat… )
Other posts by fretzie
Share this post with friends





May 31st, 2008 at 1:39 pm
Ang karugtong na kaya niya’y ang tulang hangang ngayo’y di pa nasisimulan?
Narito lang ako, patuloy na nag-aabang
May 24th, 2008 at 9:04 pm
Opo, natatandaan ko, may kulang nga lang “zzz”, hehe. Hayaan mo at sa mga susunod pang paghakbang ng panahon ay madudugtungan na ang mga katagang iyan.
May 24th, 2008 at 6:56 pm
Walang anuman Don…natatandaan mo pa ba ang mga familiar words na nasa dulo ng aking akda?
Nakakatuwa na sa mga pagpapalitan natin ng salita nakakabuo ako ng tula…Salamat
May 24th, 2008 at 6:51 pm
Salamat deegey…
…minsan gusto ko namang subukang managinip kapag araw o katanghaliang tapat…aalamin ko kung may pagkakaiba.
May 23rd, 2008 at 10:21 pm
nakakataba naman ng puso at pumintig ng mabilis ang aking mga pulso nang mabasa ang tulang ito. Salamat fretzie, hayaan mo, sa muling pagpikit ng ating mga mata, itatali kita sa aking mga bisig, at hindi ko hahayaang malagot ang lubid na maghuhugpong sa atin tungo sa dako roon upang ikaw naman ay aking makasama…sa panaginip..muna.
May 23rd, 2008 at 6:05 pm
“Sa gitna ng dilim ng gabi, nag-uumapaw ang kaligayahan
sa tuwing ang antok ay unti-unting lululukob sa aking katauhan.
Sa pagpikit nyaring aking mga mata, sa katahimikan ng gabi,
ikaw ang aking kaulayaw sa magdamag, sa aking mga panaginip.”
Gusto ko linyang ito fretzie. nakaka-relate ako ulit eh. hehe.