«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Mahal na kita, aking makata! (Kay Don Bustamante)

by fretzie

Kay tagal kong nakalikmok

Sa madilim na sulok

Nagmamasid

Nag-aabang

Nagbabakasakali

Na may titigil

Magtatanong

Kung anong kinikimkim

Nitong mapanibughong puso.

 

 

At ikaw ay dumating

Tumigil

Nag-abot ng kamay

Hindi nag-imot ng panahon.

 

 

Tinibag mo ang pader

Na siyang aking mundo

Sumilip sa siwang

Ng aking munting daigdig.

 

 

Binuong muli ng iyong mga tula

Pira-pirasong bahagi ng aking mundo

Mga salitang naging tulay

Upang baybayin

Suungin

Ang makitid at madilim

Na pasilyong likmuan

Ng pag-iisa

Kalungkutan.

 

 

Nililingkis ako ng mga titik

Marahang binabalutan aking katawan

Mula sa panlalamig ng gabi.

 

 

Gumagapang ang mga linya

Na tila ligaw na bulaklak

Dumidikit sa kuwadradong pader

Nilalakbay ang aking braso

Patungo sa aking dibdib.

 

 

Nadarama ang iyong daliri

Tulad ng mga taludtod

Bumabakat sa aking balat

At buong pagkatao.

 

 

Aaaahh!!

 

 

Mahal na kita, aking makata!

 

 

(Isinulat habang nagsasaya sa pagkakapanalo ni David Cook sa American Idol.. )

 

  • Other posts by fretzie
  • Share this post with friends Share this post with friends

    6 Responses to “Mahal na kita, aking makata! (Kay Don Bustamante)”

    1. fretzie says:

      Nagkukulay makopa na ang aking pisngi Don… :)

    2. Don Bustamante says:

      ano pa nga ba ang nais mamutawi sa labi kundi ang isang pasasalamat sa pagmamahal, fretzie.

    3. fretzie says:

      Sa mga makukulit na salita..salamat Don :)

    4. fretzie says:

      Hindi ko pa alam Deegey…hahaha! Maaring totoo..maaring hindi.. :)Abangan na lang natin.. :)

    5. Don Bustamante says:

      Mapapalad naman ang mga makatang natutuhan niyong mahalin. Natatandaan ko na may ganitong tema ring ginawa si deegey, hehe.

      Balitaan niyo na lamang ako sa pagpipiging ng inyong mga puso..sa piling ng mga makatang nanunungkit ng mga aranya sa kalaliman ng gabi.

    6. deegey says:

      Sa paglisan ng isang mahal
      asahang may bagong pag-ibig
      sa iyong buhay ay daratal.
      Tutuo Fretzie? =)

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!