«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

pahabol

by charles

Dalit sa Iyong Libing

Hahabol ako sa iyong libing

 ipagsasanggalang kita sa mga langaw

sukdulang lapastanganin ko ang karapatan

ng mga uod na matikman

alinmang parte ng alibugha mong laman

charles

  • Other posts by charles
  • Share this post with friends Share this post with friends

    3 Responses to “pahabol”

    1. kyo says:

      Nag-ilang salin na ang buwan at araw
      at naaagnas na ang aking katawan.
      nabugaw man ang mga bangaw
      ng lupang sa akin ay itinabon,
      sukdulang nag-pyesta naman
      ang mga uod sa aking kahon.

      Bilog na bilog,
      busog na busog,
      habang katawan ko ay sinisimot.

      At ang mga saksi na lamang
      ng aking libingan
      ay mga kaluluwa
      na lumilipad lang sa kawalan;
      tumatagos sa mga bakuran;
      tumatagos
      maging sa aking katawan.

      Anim na talampakang pagkakabaon
      wala nang sinumang makapag-aahon.

    2. kyo says:

      heheheh :)

    3. charles says:

      dalit sa iyong libing
      (kay kyoksil)

      kung iyong pagbibigyan

      ipagsasanggalang kita sa mga langaw

      at di ko hahayaang mabigyan ng karapatan

      ang mga uod na matikman

      alinmang parte alibugha mong laman

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!