Bilin
Ito
ang bilin ni itay,
“Wag mong subukin
na sirain ang baga mo
sa sigarilyo.
Wag kang magbisyo.
Hindi yan tutulong
sa ikabubuti mo.
Maghahanap
ka lamanng
ng sakit at hirap.
Sasayangin mo
lamang yang buhay mo.
Wag na wag
mong gagayahin
ang iba
na mukhang adik
at mga parang
walang mga magulang…”
habang
kanyang pinapatay
ang upos
ng kauubos
na isang stick n’yang Marlboro.
Other posts by Lemon Cruz
Share this post with friends





