«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Kapatiran?

by janrodgee

Sa marahas na daluyong ng mga pangyayari’y silay sumasabay,
Nag-aanyong kaibiga’t katuwang bagaman ay kaaway,
Armas nila’y simpatiya ng iyong pagkadalisay at kawalang malay,
Hahainan ka ng sanlaksang mapanlumong mga banghay:

“Sa mata ng lipunang mapanghusga’t mapag-imbulog,
Dangal at pagkatao’y sabay na masisira’t lulubog
Sa putikan ng dusa ikaw’y marurungisa’t malulunod
Awa’y tanging pa-asa mula sa sinumang maghuhulog.”

Salita’y matatalas napunyal na sa katauha’y tumatarak
Puso’y walang awang pinapasok upang tuluyang mawarak,
Anumang pagpupumiglas, hagulgol ma’y maging iyak,
Sa pagkagapi ng pagkamatuwid, mga palalo’y humahalakhak.

Bandang huli’y hihilingin nila’y iyong pagsapi’t pakikiisa
Sa paghahabi ng mga paniniwala’t pagsabak sa pakikibaka.
Ng pagtataguyod ng rehimeng maka-komunista!
Hintay, kaibigan, maaatim mo bang maging tulad nila?

  • Other posts by janrodgee
  • Share this post with friends Share this post with friends

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!