«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Paglulon ng Alon

by Raul Funilas

Naaanod ang palipod sa may laot,
Sumusunod pasapusod nitong agos;
Gumagaod gawing timog Maninibog
Na may suklob na salakot at may kutob—
Buburabok ang lukaok na kumislot.

Ikinunday kanang kamay. Idinawdaw
Na palantaw sa malinaw na tubigan
Ang panggalay na may kulay dinampulan.
(Sumisigaw ang kilyawan sa kawayang
Humahapay ang pisigan sa pasigan.)

Takipsilim nang samsamin at likumin
Ang ayunging naglambitin sa laginling
Ipinaling nitong hanging salinukin
Sa lambaking matiisi’y naninigil.
(Tumitigil din ang hangin pagkulimlim.)

Walang gutom ang marunong na tumimon
Pagdidimon at daluyong ng panahon.

Palipod- nabaling tulos na naiwan ang kaputol sa tubig
Maninibog- mangingisdang hinahataw ang rabaw ng tubigan
Buburabok- bulang likha ng isda sa ilalim ng tubig
Panggalay- malaking biwas, bingwit o pamansing
Laginlin- natural na pagkain ng isdang malakas magpahilab
o magpalaki
Salinukin- pabalik at umiikot na hangin sa lambakin, kuwengka o
lungki

Mayo 12, 2008
Birheng Bato
Pulo ng Talim

  • Other posts by Raul Funilas
  • Share this post with friends Share this post with friends

    One Response to “Paglulon ng Alon”

    1. Don Bustamante says:

      Wala pa ring kakupas-kupas ang ulikbangon mo, tata. Napakagaling, nag-uumapaw ang mga bararilang makakatulong sa mga tulad kong uhaw sa mga salitang suanoy. Isang tagay ng mainit na lambanog.

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!