Para Sa Iyo Mama
Isang butil ng luha
Bumagsak mula sa yong mga mata
Habang isa-isang sinasambit
Kalungkutang nadarama.
Di ko naman ninais pang
Sa iyong edad ngayo’y
Mapuno pa ng lumbay
Ngunit di ko maiwasan
Ibahagi ang nararamdaman
Pusong nahihirapan
Ikaw ang sandalan.
Nais kong ihingi ng kapatawaran
Aking mga nagawang kasalanana
Kung sana’y mga payo ay pinakinggan
Ngayon sana ay di nahihirapan.
Mama…alam kong ako’y nagkamali
Sa larangan ng pagibig, ako ngayo’y sawi
Paliwanag at katwiran ay di ko pinakinggan
Kaya ngayon, heto ako’t nasasaktan.
Wala man salitang namumutawi
Mula sa iyong mga labi
Yakap at iyong haplos ang papawi
Sa nadaramang pighati.
Other posts by fretzie
Email this post to friends!




May 17th, 2008 at 3:26 pm
No problemo Don…
opo..babae po ako..:)
May 14th, 2008 at 10:14 pm
fretzie, salamat sa pagsilip sa aking madilim na blog. Ako naman ang hindi maka connect sa link ng pangalan mo, masyado raw kasing misteryosa (girl ka ba?) ang may-ari, hehe.
May 14th, 2008 at 9:01 pm
hey, kuwento ka naman po.
May 14th, 2008 at 5:26 pm
Medyo sad nga po talaga…what was suppose to be a happy celebration of mother’s day turned to be one of the most dramatic moments of me and my mom’s life… nevertheless…Thank you so much..
May 12th, 2008 at 10:19 pm
anak..este, fretzie. Kalungkot naman ere. Happy Mother’s na rin pala sa iyo at sa mama mo, at sa lahat ng mga mader der awt der.