Ang Kapalarang Tinanggihan Mo
Minsan,
Noong tayo pa’y bagito,
—
Kumain tayo sa restawran ng Intsik,
Nang matapos, kusang tayo ay binigyan
(Tig-isa tayo) ng pirasong biskuwit,
Munti at matigas, na fortune cookie raw.
—
Nakasingit dito ang pirasong papel
Na nagsasaad ng magiging suwerte
Sa araw na ito o bukas, palihim
O lantad, subalit ito’y mangyayari.
—
Bigla ay dinampot mo ang inilapag
Sa aking tabi, at sabay iniabot
Ang iyong biskuwit. “Tayo na’t maghanap
Sa ating tadhana,” iyong pang-uupat
—
Habang hinahati ang biskuwit. Ako
Nama’y tumalima. “Aha!” nagniningning
Ang iyong mukha, at nagbasa: “Totoo,
Ikaw ay dakila.” Nakita ko na rin
—
Ang sa akin. Iling ng ulo ang biro
Ko sa tanong mo kung ano’ng nakalagay.
Nagpilit kang tingnan, ikaw ay nanlumo,
Ako’y napangiti. “Kalokohan lang ‘yan!”
—
Kongklusyon mo. Tayo’y umuwi na busog,
Kanya-kanyang bahay. Nang lumaon, panaho’t
Mga pangyayari’y naging mga bakod
Na muling magsalo. Kahit na ganoon
—
Nakikita kita, naririnig lagi
Ang iyong pangalan. “Gusto kong tumula,”
Ang lagi mong sabi noon. Natatangi
Ang hinantungan mo. Aking naitabi
—
Ang suwerteng ipinagpalit mo:
“Ikaw’y magiging makata.”
Other posts by Fermin S. Salvador
Email this post to friends!




May 10th, 2008 at 8:36 am
nagbabalikbayan ako paminsan-minsan. talagang taga-manila ako.
actually, malayang taludturan ang tulang ito. Sa unang tingin parang may sukat at tugma. Puwede ring tawaging “malayang may sukat at tugma” he he.
May 9th, 2008 at 5:44 pm
sariwa ang tula mo pero yung pinakahuli, medyo parang inapura…
charles, napapasyal ka ba ng manila? o us ka lang talaga?
best
charles
May 9th, 2008 at 8:50 am
maraming salamat, charles. tila napapadalas ang iyong mga komento ng pagtanggap. hindi ko tatanggihan he he
May 8th, 2008 at 5:21 pm
masarap itong mga tula mo
charles