hi tech na daw…
sabi nila ang OFW daw noon
sulat daw dito,sulat daw duon
at kay mamang kartero pa nakasalalay
ang sulat kamay na sa pamilya inalay
si mamag kartero pag minsan tinamad
sulat mo’y baka abutin ng siyam-siyam
kawawang pamilya inip na sa paghihintay
kay mamang karterong sa kanto nakatambay.
Sabi nila swerte daw tayong OFW sa ngayon
dahil hi-tech na daw tayo sa ngayon
ilang pindut lang sa keypad ng cellphone
kung may load ka message sent agad.
Sabi nila swerte daw tayong OFW ngayon
dahil may internet na daw sa ngayon
mga dating kaklase’t kaibigan
sa friendster iyong matatagpuan
sabi nila swerte daw tayong OFW ngayon
dahil may internet na nga daw sa ngayon
pamilyang matagal na hindi nasisilayan
sa webcam sila’y iyong masusulyapan
ngunit ano man ang meron nuon at ngayon
mapa-sulat kamay man o e-mail kaya
ang homesick sa pamilya’t bansang iniwan
noon at ngayon walang pinagkaiba….
Other posts by marcelino mallari
Email this post to friends!



