Hindi ako marunong sumulat at bumasa ng tula
kaninang umaga sa hapag kainan
kaharap ang kapeng
sinisimulang tikman
paggawa ng tula
naging paksa ng usapan.
habang tinitigan kapeng lumalamig
aking ina’y biglang tumindig
kinuha ang kuwadernong
lagi kong kapit-kapit
samut-saring akda ang nakaipit.
“Nabasa ko kanina
mga ginawa mong tula”
ako ay napatingin at saka nabigla
nabasa pala niya aking mga katha.
papuri mula sa kanya’y aking inasam
tulad ng ginagawa ng ibang magulang
ngunit sa kanyang labi iba ang dumatal.
“Di ka marunong gumawa ng tula
mga katha mo’y gawang pambata
di gumagamit ng bilang at tugma
kulang sa damdamin iyong mga katha.
Aray!!! Ang sakit!!
ngunit di ko ito sa kanya masambit
katotohanan pala tunay na kay pait.
Oo inaamin ko
sa paglikha ng tula di ako eksperto
malalim na salita di kayang abutin ng murang utak ko
ngunit pinipilit pa ring gumawa kahit walang ritmo.
naalala ko tuloy isang karanasan
noong nag-aaral pa sa pamantasan
aking guro sa pantikan
lagi akong sinasabihan
sa pagbasa daw ng tula
“Always read between the lines.”
tulad ng minsa’y kami pinagbigay
interpretatsyon sa isang tula ang kailangan
(pamagat ng tula ay nakalimutan)
sabik na isinulat ang nalalaman
ngunit sa bandang huli’y
mababang grado kanyang ibinigay.
“Bakit nagkaganon?, aking naitanong
may mali ba o kulang sa interpretasyon
“Fretzie, binasa mo ba ang bawat saknong?”
Opo, makatlong beses pa nga po” ang aking tugon
“Ano ba ang aking laging sinasabi
sa pagbasa ng tula may mga salitang nakakubli.”
Aaaahhh!! Di ko pa rin yata siya naintindihan
ginawa ko naman lahat ng nalalaman
I read over, under, beneath, between the lines
ngunit di pa rin abot sa kanyang pamantayan.
pasensiya na po kung di ako marunong gumawa ng tula
maging pagbasa sa inyong mga akda
mga katha’y bunga lamang ng mga gunita
saloobin at damdaming di mabigyang laya.
Paumanhin po sa mga mambabasa
paumanhin sa mga tunay na makata
isang trying hard na manunulat ang inyong kasama.
hilig ko lamang po talaga ang kumatha
mula sa samu’t-saring mga salita
tanging paraan upang makalaya
mula sa tanikalang ginto
na dulot ng pag-iisa.
Other posts by fretzie
Share this post with friends






October 23rd, 2008 at 10:13 pm
Salamat xetthe…tanging sa pagsulat lamang tanging naibubuhos damdaming minsan ay hindi mapangalanan, kung ito ba ay bunga ng kaligayahan o kalungkutan o pagkaminsan ay bunga ng malikot na isipan o kaya ay kahungkagan..
October 23rd, 2008 at 12:16 pm
napakasimple pero napakagandang tula.. dahil mababasa mo ang tunay na damdamin ng may akda.. huwag panghinaan ng loob sa sinasabi ng iba, ang mahalaga ay naitatala damdaming gustong lumaya.. sulat pa!!!!
October 5th, 2008 at 1:54 am
Sir Rod: Thank you so much..
October 5th, 2008 at 1:10 am
Sheena: Salamat….:)
October 4th, 2008 at 1:44 pm
Fretzie, alam ko ito ang isa sa mga sikat na tula mo rito sa emanila. Pamagat pa lang panalo na.
October 1st, 2008 at 8:51 pm
hello ang ganda pala ng poem
May 6th, 2008 at 7:28 pm
Thanks MBF
May 3rd, 2008 at 10:21 pm
hmmm…nice poem…nakakatuwa na makulit sa paggamit ng mga salita..may damdamin ang pinahihiwatig na kataga at totoo sa makakabasa.
April 30th, 2008 at 6:37 pm
Thank you for the encouragement
Anyways…mom told me to get another notebook to write on my poems….lumang-luma na raw kasi notebook ko..ang saya di ba.. 
April 29th, 2008 at 9:12 am
I agree with Don and Nin and to those who have the same opinion…
It is how we share and express our thoughts thru poems…
Simplest words they may seemed to be -
but bottom line is… we just love poetry. =)
April 27th, 2008 at 9:27 pm
Walang anyo at silid ang tula. May kalayaan ang pagsusulat. Hindi ako masyadong tumitingin sa teknikalidad ng isang tula, ang nakikita ko ang pagpupursige ng may akda na maisiwalat ang nasa loob niya. Bahala na sila kung tawagin nilang tula o awit o sanaysay o kuwentong pambata. Basta ang mahalaga, nagsusulat tayo.
April 26th, 2008 at 7:06 pm
Thanks Nin… a real confidence booster!
April 26th, 2008 at 7:02 pm
we enjoy what we do, yon ang mahalaga di ba:-) keep on writing…
—from a trying hard wannabe:-)