Pwede ba manligaw?
Pwede ba manligaw sa iyo?
Ako’y masaya pag kasama kita…
Iba na itong aking nadarama…
Pagbigyan mo naman sana ako…
Hayaan mo kong ipakita ko…
Na tunay ang pagtingin ko sayo…
Kumain ka na ba? Anu oras uwian mo?
Tara ihahatid na kita, libre pamasahe pa…
Labas tayo, gala tayo, lahat ito libre ko! haha
Ang akin lang, gusto kita makasama…
Maipakita sa iyo ang aking nararamdaman…
Mapatunayan sa iyo na wala akong ibang pakay
Kundi ang gawin kang sentro ng aking buhay!
Kelan mo ba ako sasagutin? Kelan ko ba maririnig?
Ang matamis na oo na kasabay ng iyong maganda tinig?
Kung ayaw mo naman talaga ay huwag mo na patagalin…
Mahirap na ang bagay na ito ay nakabinbin!
“OO”
“OO ano?”
“OO Mahal kita!”
HIYES! Aba’y anong saya ang aking nadarama!!!
Magkahawak ang ating kamay, tayoy nakangiti!!
Sinasabi ko sayo, sa akin ay di ka magsisisi!!!
Ngunit ako’y nagising, malamig ang pawis
Naghihingalo at putlang putla!
Ang lahat ng iyon ay panaginip lang pala…
Ang panaginip ko ay magkatotoo naman sana…
Pwede ba manligaw sa iyo?
Other posts by Vickturr
Share this post with friends






April 23rd, 2008 at 11:57 pm
ahehehe salamat po! salamat po!
April 23rd, 2008 at 5:32 pm
magandang akda….i agree with deegey…she is indeed lucky…
April 23rd, 2008 at 9:00 am
hmm… ganda.
at kung sakaling may inaalayan,
mapalad siyang nilalang. =)