Ito Ba Ang Mukha Nang Buhay?
i.
Magsasakang binitak ang kanyang mga paa sa kumunoy na putik,
Binhing inalayan ng kanyang sanlaksang pawis at buhay.
Isinubo at iniluhod sa buwayang gutom sa yaman at laman.
Hanggang sapitin ang takip-silim,
hindi pa din nababanaag ang pagbubukang liwayway.
ii.
Dala ang munting ilawan sa pamamalakaya,
at lululan sa kanyang tinagpiang bangka.
Sa abuhing dagat lambat niya’y inilahad,
ngunit ganun pa din ang pakikipagtanguli nitong sagwan.
Tila nakikisayaw sa liwanag ng bilugang buwan.
iii.
Paos na ang tinig na lumalagos sa tuyot na bibig.
Nasasalat na ng talampakan ang magaspang na sahig.
Pawisan na din ang may kahukutang likod…
Nakaalampay ang bilaong ayaw man lang gumaan ang nakakanlong.
Uuwi na namang luhaan… kapitalistang gahaman ay nakaabang.
iv.
Humihimig sa awiting walang tono gayundin ang indak sa braso.
Binubulungan ang hangin, hahalakhak, iiyak…
Ayaw man akapin nitong mundo,
Ikaw ba’y mapalad kaysa sa tulad ko?
Kung ganito nga ang mukha ng buhay marahil ito’y totoo .
Other posts by M.R.Farala
Share this post with friends






October 8th, 2008 at 5:14 am
Hi Maricel,
How are you?