Pagbitiw
Makikita mo ko, andito parin ako..
Kumakapit, Nagpupumilit
Pilit kong hinahawakan…
Mga bagay na dapat nang pakawalan…
Mahirap bumitiw sa isang bagay…
Na labis mong pinahahalagahan..
Hindi ako bibitiw, Hindi kita papakawalan…
Nasayo ko nakikita ang aking kasiyahan…
Sa mga pangyayari na naganap…
Hindi ko man lang namalayan…
Ako ay nabulok at naging makasarili…
Hindi ko alam, ikaw pala ay nahihirapan…
Ako ay iyong pagpasensyahan…
Pero nakita ko na ang aking kamalian…
Oras na, Dapat nang pakawalan…
Ang bagay na labis kong pinahahalagahan…
Hindi naman ganun kadali pare ko…
Na ang nararamdaman ko ay aking bitawan…
Sa pagbitiw na ito, sana matandaan mo…
Kung gano kalabis ang pagmamahal ko sayo…
Kung sakaling kailangan mo ng karamay
Sa mga problemang dadating sa iyong buhay…
Alalahanin mo na ako ay laging nasa tabi mo…
Handang ibigay ang lahat makita lang ang ngiti mo…
Other posts by Vickturr
Share this post with friends






April 22nd, 2008 at 1:08 am
“Kung kailangan mo ng tulong, wag kang lumayo… Andito lang, andito lang ako…”
Paboritong linya ko sa isang awitin ng Kapatid… Maraming salamat po!!!!
April 20th, 2008 at 3:46 pm
“Pagkat kasama mo ako…iisang bangka tayo..daluyong ng dagat ay tatawirin natin.”
ang aking paboritong linya mula sa isang awitin ng The Dawn…:) Nice..nice poem.