«  ARCHIVES Today's date:


hay naku ano ba ‘to

by manonton dalan

malalambing ba
dalagang filipina
oo sa iba

ngiting dalaga
nagbibigay ginhawa
panourin ka

dahong luntian
namusilak sa parang
nais ay ulan

patak ng ulan
labi ko naramdaman
akoy nagising

puwede siguro sa tagalog.

  • Other posts by manonton dalan
  • Email this post to friends! Email this post to friends!

    48 Responses to “hay naku ano ba ‘to”

    1. manonton dalan says:

      tampong lambing
      kay sarap susuyuin
      kurot marikit

      halik marino
      hanaphanap sa tuwina
      natuyong labi

    2. manonton dalan says:

      katok sa dingding
      akoy nagising, silip
      walang makita

      dagang magaling
      pumasok biglang takbo
      pusa’y nabangga

      aninong itim
      sa silong ng manggahan
      nakakatakot

    3. manonton dalan says:

      mapasong init
      maraang simoy lunas
      hiningang kapos

      mumunting ilaw
      nagdudulot tanglaw bukid
      tuwang palaka

      salaming basag
      sa damong tuyo tago
      nagngingas araw

    4. manonton dalan says:

      bibig sa dilim
      bumukat nagsalita
      akap ligaya

      tuyong kampopot
      nabagsakan ng hamog
      namumukadkad

    5. manonton dalan says:

      mabangong simoy
      dinalaw ang higaan
      bulong sa dilim

      munting kaluskos
      matutunog na halik
      layang sandali

      bangong bulaklak
      sumsayaw sa hangin
      akoy naidlip

    6. manonton dalan says:

      ulang malakas
      hinihintay na lunas
      akoy masaya

      binging tahimik
      nanatili sa dilim
      matang mailap

    7. manonton dalan says:

      nangambang dibdib
      namugad pagalala
      di makatulog

    8. manonton dalan says:

      ulang mabagsik
      nilagas mga dahon
      hubad sa araw

      agos ng luha
      sa pisngi kitangkita
      nakakalungkot

      sigaw ng inis
      kapaligiran dinig
      akoy nailing

    9. manonton dalan says:

      napunang galit
      nanahimik ang lahat
      akoy namangha

      bilis umalis
      dabog, bulong narinig
      nagtitinginan

      ngiting mahiwaga
      tamis hulaan di ba
      nanahimik lang

    10. manonton dalan says:

      bundok mataas
      pugad ng osong gutom
      maraming takot

      gubat masukal
      nagtatagong kuwago
      mata aninag

    11. manonton dalan says:

      himig malambing
      nakakapawi lungkot
      akoy mapalad

      ngiting mayumi
      nakakahawa naman
      nakapanggigil

    12. manonton dalan says:

      usok makapal
      sakop kapaligiran
      akoy naiyak

      panyong natubog
      luhang gawa ng usok
      nakakainis

      (may sunog dito sa amin
      di pa humuhupa. sa umaga
      nakikita ang usok. kawawa yong
      may mga asma) sunog sa swamp

    13. manonton dalan says:

      bumukang bibig
      pumapatak na hamog
      at napalunok

    14. manonton dalan says:

      tubig malinaw
      pinapawi ang uhaw
      akoy nangiti

      mariing dampi
      namumulaklak labi
      sabay ng pisil

    15. Nin says:

      puting bulaklak
      kapiraso ng langit
      nagiging tubig

      (snow)

    16. manonton dalan says:

      mumunting ilaw
      sa abot tanaw, ganda
      ako’y humanga

      bulong sa gabi
      agimat ng pagsuyo
      aking nadama

    17. manonton dalan says:

      masuyong bibig
      palaging umaawit
      biglang naglaho

      sariwang hangin
      humahalik sa baga
      nakaginhawa

    18. manonton dalan says:

      gabing malalim
      puno ng lihim
      di ko pinansin

      awiting ibon
      umagang pasalubong
      sarang bintana

      kaluskos dinig
      ng akap na mahigpit
      kumot bumagsak

    19. Nin says:

      way to go, mandal! keep at it!

    20. manonton dalan says:

      sandaling halik
      namalayang nakapikit
      masuyong bibig

      akap mahigpit
      nakasandal sa dibdib
      dilim sinapit

      mumunting ilaw
      dalampasigan tanaw
      magsintang ligaw

    21. manonton dalan says:

      isdang makulay
      naluluto sa baga
      nakakalaway

      kaning mainit
      hinaluan ng sabaw
      dila napaso

      bulang serbisa
      umaapaw sa bote
      kamay nabasa

    22. manonton dalan says:

      luhang umagos
      salubong kalungkutan
      nagmansang panyo

      mariing hikbi
      kimkim ng labi, kita
      nayuko siya

      masuyong himig
      nanggagaling sa dibdib
      malayang hinga

      gabing tahimik
      alaala bumalik
      umawit siya

    23. manonton dalan says:

      kiriring bingi
      nakaligtaang sagot
      nagtampo siya

      ulap dalisay
      maraming lumilipad
      liig masakit

      isdang malikot
      pinaglaruan bola
      diko naabot

      malagkit putik
      nalubog mga paa
      nadapa siya

    24. manonton dalan says:

      kindat ng cp
      may nangangailangan
      natuwa naman

      malambing sagot
      napupunas ang kirot
      sana magtagal

      panakaw sulyap
      nakakakilig sinta
      pungayan mo pa

      hmmp manigas ka
      nawiwili ka naman
      kahit gusto ko

    25. manonton dalan says:

      hapong umuwi
      walang makain ulit
      bagsak sa banig

      kalabog, ingay
      pito ng pulis, sigaw
      ako’y sumilip

      nakakadena
      sugatang paa, mukha
      ako’y nasuka

      hapo nawala
      nanood ng opera
      naidlip ulit

    26. manonton dalan says:

      buntong hininga
      namutawi sa bibig
      maragsang lakad

      malayong landas
      lampas ng kakahuyan
      patag luntian

      katawang pagod
      lupa nakahilata
      kagat ng langgam

    27. manonton dalan says:

      luhaang mata
      sa iyo nakatitig
      naiyak na rin

      nasandal saglit
      tumalikod umalis
      tubog pagnangis

      nagulat, habol
      bumilis humagolgol
      lagot naglaho

    28. manonton dalan says:

      malambing bulong
      sa dibdib umo-ugong
      daliri gigil

      masuyong sulyap
      umo-ukit sa puso
      labi nabuka

      buntong hininga
      kalakip kasiyahan
      tibok bumlis

    29. manonton dalan says:

      labing malambot
      pisngi nakadampi, lambing
      sa akap huli

    30. manonton dalan says:

      samyong kay tamis
      tangay hanging amihan
      akoy nagising

      munting pagaspas
      sinaklot suyong dilim
      ngiti sa labi

      anino tabing
      papalapit na apak
      ingit ang sahig

    31. Nin says:

      pinto’y umingit

      panauhin kong muli -

      hanging malakas

    32. manonton dalan says:

      ilaw sa pisngi
      ay likas na pagbati
      tulog pa si ni

      halik sa pisngi
      malapit na sa bibig
      mahigpit kabig

      napangiti lang
      sabay kurot sa tadyang
      tiniis niya

      inulit pa rin
      napapikit ang mata
      nangarap siya

      hmmm…

    33. manonton dalan says:

      awit sa puno
      kaulayaw ay dilim
      hanggat nagising

      dungaw nakinig
      luha’y napatak saglit
      nangiti ulit

      sinag silangan
      suyong lumalaganap
      sarili akap

      uling linisan
      bintanang tapat
      lakad nangarap

    34. manonton dalan says:

      bukas bintana
      nag-aawitang ibon
      kahit madilim

      ulang malakas
      ibong nayupyup basa
      nagtitiis pa

      pakpak pinagpag
      nagising ang katabi
      tinuka siya

      lipad palayo
      nagtampo sa grupo
      lungkot sa puno

      diko alam kung bakit alas singko
      ng gabi umaawit ang mga ibon
      sa tapat ng bintana ko kaya
      sumulat nga ako nito.
      nataon na umu-ulan pa.

    35. manonton dalan says:

      mas maigi ang salitang masanting.
      ang magangana ay para lang sa
      pantukoy sa babai.

      kilay napikit
      kita mutyang marikit
      inagaw ng idlip

      tutubi lipad
      sa himpapawid gilas
      pakpak naagnas

      mansanas kintab
      naakit ang paningin
      langgam nadulas

      mutyang mabini
      sa batis nawiwili
      daming nakatingin

      duga latan ed sayan agew
      (tama na ‘yan sa araw na ito)

    36. Nin says:

      magangana haiku’s!!! nagado am mom :-) baleg a salamat ’til ontombok

    37. manonton dalan says:

      buntis na palay
      naglalambing amihan
      alon sa bukid

      kuhol gumapang
      nagtago sa palayan
      di- nakaligtas

      tilamsik batis
      malinaw at matamis
      bibig nauhaw

      lagaslas tubig
      masuyong himig dinig
      isip nakaukit

      maamong puso
      nagtiis ng siphayo
      ibig totoo

      ayan dinugtungan ko na naman

    38. Nin says:

      butil ng palay
      isang bundok na ginto
      sa magsasaka

      hardin ng langit
      pilit na pinipitas
      isang bituin

    39. manonton dalan says:

      bituing rikit
      kahambing ng mga awit
      masuyong pilit

      ang paruparu
      matingkad ang kulay
      bukas ang kilay

      malakas ulan
      masaya ang halaman
      kidlat humudyat

      langgam mabilis
      pasanpasan ang dahon
      manok tinuka

      ayan sa susunod ulit, salamat po

    40. Nin says:

      bituin —
      binibilang niya
      habang nakapikit

      anahaw —
      pamaypay
      ng paruparo

      alright, i’m enjoying these haikus in tagalog now

    41. manonton dalan says:

      sayaw magaling
      balakang umiindayog
      labas ang pawis

      ngiting masuyo
      galing sa murang dibdib
      nakakahawa

      bulong sa gabi
      hinihikayat muli
      makipag-usap

      pakipot siya
      nangungurot sa hita
      hinalikan ko nga

      oh! ayan dinagdagan ko pong muli.

    42. Nin says:

      sanay din na magsayaw
      ang ilaw ng kandila
      sa hangin

      haynaku na ba to?

    43. manonton dalan says:

      itong dalawa para sa iyong masayang
      pagbabasa

      pamumulaklak
      maraming nagagalak
      pati bubuyog

      talulut sinta
      galing hardin kanina
      sariwangsariwa

      ami ayam kompa md

    44. Nin says:

      O, nasan pa yon iba na tagalog haiku mo. keep on …

    45. manonton dalan says:

      maraming salamat fretzie
      sige katha ka at babasahin namin.

    46. manonton dalan says:

      ami ayam kompa u ayan it ugam nin(thank you for loving my poem-kasinibe)

    47. fretzie says:

      Nice nice…ma-subukan nga rin na gumawa (gaya-gaya eh..hehe)..Kudos!

    48. Nin says:

      nice try, manonton. sige pa, write some more tagalog haiku’s

      snow

      galing sa langit
      bulak na tatapakan
      nakakasayang :-(

      hayan, a, i’ve tried:-)

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!