«  ARCHIVES Today's date:


hay naku ano ba ‘to

by manonton dalan

malalambing ba
dalagang filipina
oo sa iba

ngiting dalaga
nagbibigay ginhawa
panourin ka

dahong luntian
namusilak sa parang
nais ay ulan

patak ng ulan
labi ko naramdaman
akoy nagising

puwede siguro sa tagalog.

  • Other posts by manonton dalan
  • Email this post to friends! Email this post to friends!

    18 Responses to “hay naku ano ba ‘to”

    1. Nin says:

      pinto’y umingit

      panauhin kong muli -

      hanging malakas

    2. manonton dalan says:

      ilaw sa pisngi
      ay likas na pagbati
      tulog pa si ni

      halik sa pisngi
      malapit na sa bibig
      mahigpit kabig

      napangiti lang
      sabay kurot sa tadyang
      tiniis niya

      inulit pa rin
      napapikit ang mata
      nangarap siya

      hmmm…

    3. manonton dalan says:

      awit sa puno
      kaulayaw ay dilim
      hanggat nagising

      dungaw nakinig
      luha’y napatak saglit
      nangiti ulit

      sinag silangan
      suyong lumalaganap
      sarili akap

      uling linisan
      bintanang tapat
      lakad nangarap

    4. manonton dalan says:

      bukas bintana
      nag-aawitang ibon
      kahit madilim

      ulang malakas
      ibong nayupyup basa
      nagtitiis pa

      pakpak pinagpag
      nagising ang katabi
      tinuka siya

      lipad palayo
      nagtampo sa grupo
      lungkot sa puno

      diko alam kung bakit alas singko
      ng gabi umaawit ang mga ibon
      sa tapat ng bintana ko kaya
      sumulat nga ako nito.
      nataon na umu-ulan pa.

    5. manonton dalan says:

      mas maigi ang salitang masanting.
      ang magangana ay para lang sa
      pantukoy sa babai.

      kilay napikit
      kita mutyang marikit
      inagaw ng idlip

      tutubi lipad
      sa himpapawid gilas
      pakpak naagnas

      mansanas kintab
      naakit ang paningin
      langgam nadulas

      mutyang mabini
      sa batis nawiwili
      daming nakatingin

      duga latan ed sayan agew
      (tama na ‘yan sa araw na ito)

    6. Nin says:

      magangana haiku’s!!! nagado am mom :-) baleg a salamat ’til ontombok

    7. manonton dalan says:

      buntis na palay
      naglalambing amihan
      alon sa bukid

      kuhol gumapang
      nagtago sa palayan
      di- nakaligtas

      tilamsik batis
      malinaw at matamis
      bibig nauhaw

      lagaslas tubig
      masuyong himig dinig
      isip nakaukit

      maamong puso
      nagtiis ng siphayo
      ibig totoo

      ayan dinugtungan ko na naman

    8. Nin says:

      butil ng palay
      isang bundok na ginto
      sa magsasaka

      hardin ng langit
      pilit na pinipitas
      isang bituin

    9. manonton dalan says:

      bituing rikit
      kahambing ng mga awit
      masuyong pilit

      ang paruparu
      matingkad ang kulay
      bukas ang kilay

      malakas ulan
      masaya ang halaman
      kidlat humudyat

      langgam mabilis
      pasanpasan ang dahon
      manok tinuka

      ayan sa susunod ulit, salamat po

    10. Nin says:

      bituin —
      binibilang niya
      habang nakapikit

      anahaw —
      pamaypay
      ng paruparo

      alright, i’m enjoying these haikus in tagalog now

    11. manonton dalan says:

      sayaw magaling
      balakang umiindayog
      labas ang pawis

      ngiting masuyo
      galing sa murang dibdib
      nakakahawa

      bulong sa gabi
      hinihikayat muli
      makipag-usap

      pakipot siya
      nangungurot sa hita
      hinalikan ko nga

      oh! ayan dinagdagan ko pong muli.

    12. Nin says:

      sanay din na magsayaw
      ang ilaw ng kandila
      sa hangin

      haynaku na ba to?

    13. manonton dalan says:

      itong dalawa para sa iyong masayang
      pagbabasa

      pamumulaklak
      maraming nagagalak
      pati bubuyog

      talulut sinta
      galing hardin kanina
      sariwangsariwa

      ami ayam kompa md

    14. Nin says:

      O, nasan pa yon iba na tagalog haiku mo. keep on …

    15. manonton dalan says:

      maraming salamat fretzie
      sige katha ka at babasahin namin.

    16. manonton dalan says:

      ami ayam kompa u ayan it ugam nin(thank you for loving my poem-kasinibe)

    17. fretzie says:

      Nice nice…ma-subukan nga rin na gumawa (gaya-gaya eh..hehe)..Kudos!

    18. Nin says:

      nice try, manonton. sige pa, write some more tagalog haiku’s

      snow

      galing sa langit
      bulak na tatapakan
      nakakasayang :-(

      hayan, a, i’ve tried:-)

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!