Para sa mga taong malungkot…
Para ito sa mga taong malungkot!
Nagsusumidsidhing damdamin! Puno ng puot…
“Ayos lang yan kaibigan, mawawala din yan…”
Ang lahat ng ito idaan nalang natin sa inuman!
Lahat ng problema ay madaling maiibsan…
Kaibigan, Alak, Kantahan lang ang kailangan…
Kaya kung anu man yan aking kaibigan!
Problema sa pamilya o kahit pagibig man!
Lahat naman yan nagagawan ng paraan!
Punta tayo sa pasig at duon tayo maginuman!
Kahit saan, sa Tortahan o sa De Castro man!
O pare ko hindi yan ulam, hinay naman sa pulutan…
Tara aminan na! Labasan na ng sama ng loob!
Ito ang dahilan kaya nauso ang inuman…
Labasan ng problema, lahat nagdadamayan…
Tamang tama para sa mga taong labis ang kalungkutan…
Buti nalang meron tayong kaibigan na may tortahan…
Laging may baboy na nakapatong sa nagbabagang ihawan…
Para ito sa mga taong malungkot…
Intindihin nyo sana ang aking nararamdaman…
Labis labis na ang aking kalungkutan…
Tara na maginuman nalang tayo kaibigan…
Baka meron nang baboy na nakapatong sa ihawan…
Handa na ang La Mesa, Radyo at Elektrik Fan
O isang paunawa lamang aking kaibigan…
Sana naman ay hinay hinay lang sa pulutan..
Other posts by Vickturr
Email this post to friends!




May 13th, 2008 at 12:45 am
hehehe maraming salamat po! mejo matagal na din po itong gawa ko na ito… thx po!
May 12th, 2008 at 6:45 pm
ang saya naman ng tula na ito….parang ginawa para sa akin…:) love this…