«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

I am one of the 15 to the 9th UST- Creative Writing Workshop

by Jack Alvarez

Hi Guys,

Good day to all!

I’ve got a phone call last March 24 (after the Holy Week) informing that I am qualified for the 9th UST-CWW. I’m one of the 15 fellows selected for the incoming writing workshop to be held somewhere in Laguna this coming April 21st-26th. I am so excited.

“Still never look back, for my journey has just begun…”

Your prayers will be my light to see Him along my way.

Let me share my poems. This entry was sent to UST-CWW last February.

Panaghoy sa Estero

 ‘Sintahimik ng maburak na estero

Ang aking pagluha

Walang magtatangkang

Haplusin ang tubig

Ni dinggin ang pag-agos

O kaya’y langhapin

Sapagkat anghit ang hininga

Ng hanging umiihip sa mukha

Bumabalong ang kulay-alkitran

Lasang apdo ang bawat patak

Ngunit dito ang  mga layak

Nagpalutang-lutang,nagpapatianod

Maruming kanal ma’y

Isang lagusan din

Na malayang papadaluyin ang luha

Hanggang sa marating ang karagatan.

 

Tuldok

Nakatitig ako sa kisame

Wala akong nababasa doon

Katulad rin ng aking papel

Na hindi pa nalalapatan ng tinta

Maliban lamang

Sa mga alikabok at agiw

Na nakakapit doon

Mababakas ang rekuwerdo

Nanatiling nakamarka ang kahapon.

Sinubukan kong palayagin

Ang aking panulat

Wala ni isang letra akong maitala

Kaya idiniin ko ng mariin

Hanggang sa magkasugat ang papel

Ako ay tumingala muli

Wala pa rin akong nababasa doon

Katulad din ng aking papel

Ngunit may tuldok na ang kahapon.

 

Ipinta Ang Aking Bangungot

Sinubukan kong ipinta ang aking bangungot

Sa isang gabing

Bulag ang buwan at mga bituin.

Pundido ang bombilyang tanging ilaw sa kwarto

Patay-sindi, naghihingalo

Hanggang sa liwanag ay maglaho.

Alabok at abo tinatangay ng hangin

Puwing sa balintataw

Nililigaw ang diwa at pananaw.

Natimbuwang ang duyan na hihimlayan

Walang nagtiyagang mag-ugoy

Sapagkat nakakalanta,nakakaluoy

Inabandona ang sanggol na himbing sa pagtulog

Naghahalakhakan sa palibot ang mga aswang

At mga tikbalang.

Ibinaling ko ang tingin sa dako pa roon

Madilim ang palibot

Nakakapangilabot.

Hapong-hapo ako sa paglalakbay

Tila asong ulol

Ako’y naglalaway, hindi kumakahol.

Walang mapagpipilian kundi sa putikan maglulunoy

Sa lalim ng anim na talampakan

Nakakamatay ang katahimikan.

Nakakabulahaw kung ganito ang sasalubong sa pagtulog

ngunit wala akong takot

sinubukan kong ipinta ang aking bangungot.

Sa isang gabing

Bulag ang buwan at mga bituin…

 

 Sa Aking Pag-iisa

Narinig ko ang panghihinayang ng butiki

Habang walang antok nakamasid sa orasang

Nakakapit sa sementadong pader

Di napapagod sa pagbibilang ng panahon

Walang katapusan. Dito sa apat na sulok ng kwarto

Ako ay nakakahon. Nakikita at nahihipo.

Ngunit di nila mapapasok. Sarado. Nakakandado.

Ito ang aking espasyo

Sa aking pag-iisa.

Narinig ko ang panghihinayang ng butiki

Tinanggalan ng baterya ang radyo, patay ang telebisyon

Pagkatao ko lang ang naglalakbay,

Kumikibo. Umiinog ang mundo

Sapagkat akin ang panahon at oras

Ako ang nagmamay-ari. Ako. Solo.

Ito ang aking espasyo

Sa aking pag-iisa.

 

 Tuktok ng Puno

Tumingala ako sa itaas

Mananaginip kung kailan

Ang panahon, ang oras

Na marating ang kalangitan.

Kulimlim ang kaitaasan

Maiitim na ulap tinatago

Di ko nasisilayan

Ang tuktok ng puno

Isang napakataas na puno

Ang aking aakyatin

Ako’y nasa malayo

Kailan ko kaya mararating?

San ako magsisimula?

Dito, dito sa ugat

Unang papatak ang luha,

Ang pawis, ang lahat.

Sa mahabang panahon

Sa mahabang paglalakbay

Nasilayan ko na ang mga dahon

Malapit na ang tagumpay.

 

 

Maglakad Patalikod

Ngayon, susubukan kong maglakad patalikod

upang balikan…

sapagkat ang buhay ay naglalakbay,

naglalakad patungo sa nakaraan

mga panahong sa pagpikit ng mata

at maghihintay sa durungawan

ay di na kita matatandaan kinabukasan

sapagkat ang buhay ay naglalayag,

naglalakad patungo sa kasalukuyan

mga panahong sa paglingon

ay naroon ka sa aking tabi

kahit nanggagambala ang bangungot sa gabi

sapagkat ang buhay ay nananaginip,

naglalakad patungo sa hinaharap

mga panahong sa higaan

ay naroon ang iyong mukha

kahit parte ka na lang ng aking pangungulila

Muli, susubukan kong maglakad patalikod

upang talikuran…

 

Thank you.
 

jack a. alvarez

  • Other posts by Jack Alvarez
  • Share this post with friends Share this post with friends

    5 Responses to “I am one of the 15 to the 9th UST- Creative Writing Workshop”

    1. Jack Alvarez says:

      Thank you, Nin…

    2. Nin says:

      Congrats, Jack. You can do it.

    3. jack says:

      Maraming salamat po.

    4. manonton dalan says:

      magkasiping ng tuldok iyong makikita
      mayroon nagpupuloputang tinig na kasama
      at pag ang himig magkatugma may ngiti
      kalakip ng kathang sa rurok namumutawi

      ala.. pagbutihin mo para mayroon kaming
      mababasa. congraaaats

    5. manonton dalan says:

      paglakad mo ng patalikod
      iwasan ang paglingonlingon
      puwede tignan mo yong tuhod
      pagmasdan mong galaw noon
      baka mata moy nakapikit
      naglalakbay sa panaginip
      ayos lang ‘yan at nagbabalik
      ang buhay nalathala sa panitik

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!