«  ARCHIVES Today's date:


Politicized Na Pina- Politicalized

by M.R.Farala

i.

Sa bayang inuhaw ni Makoy sa demokrasya.

Sina Juan at Maria hayun na sa Edsa at nag-alsa.

Di naglaon isang babae ay dinakila at binandera,

Dahil sa pinaslang na asawa sumuporta santo’t santita,

Gayundin ang ilang pulitikong takot sa angil ng madla.

ii.                                   

Binababa na ang dilaw at termino’y natapos.

Sumunod sa yapak si manong militar tabako’y ngasab.

O kay sarap ngang magliwaliw mundo’y libutin.

Kaban nitong ating yaman walang umang waldasin,

At pinangakong mangangalakal ay nilipad na ng hangin.

iii.

Ah! sila’y napagod lalo na ang mamamayang naghihikahos.

Maaksyong  panoorin ng isang artista sa mata’y binusog,

Sa bugbog nitong nasyon ay nakakita ng bagong tagapagtangol.

Teka! mga alta sa siyodad ay nagprotesta sambit di ka pwede pare.

Kalagitnaan palang ng ating pelikula tinigok na ang bida.

iv.

Ito na si bise sumusumpa itinaas na ang kanang kamay.

Siyempre di mawawala sa eksena mga “superstars” ng edsa,

Padre Damaso, kapitan heneral, Dona Victorina pwera ka Indio.

Ito sina  Ginoong Pasta nanguna at gustong isayaw ang cha cha.

Sina Magdalo’y lumabas nais ituloy ating naudlot na eksena.

v.

Eto na naman ang makasaysayang edsa teka tila pangatlo na.

Panahon naman ni Juan dela Cruz ang umeentra pinagkaiba ay kita,

Sa lahing dunong at salapi’y kapos tiyak sa harap ng korte’y tataob na.

Nakalimutan mga bandido’t tulisan kaya’t  bawat sulok bomba ay sumabog.

Mga alingawngaw sa gobyerno’y unti-unti na bumubulusok.

vi.

Dumating bagong pambato ng bayan si pareng walang iwanan.

Nais pabaksakin ang kontrabidang sa kaibigan niyang hinubdan.

Sitsit, tsismis tila nagkadayaan si brainy bulilit  siya’y naungusan.

Salamat Pinoy ay nag-kaisa pero hindi sa masalimuot na pulitika,

kundi sa pag-aabang sa laban ni Pacman na lahat ay pumupusta.

vii.

Walang katapusan oposisyon, administrasyon, saan ka hahantong?

Pamilyang binundat sa alegasyon, kontrobersyang pang stardom.

Administrasyon, opisisyon nag-iiwas pusoy at hayan sila’y tumatalon.

Ano ba talaga ate, bababa ka ba? Ayoko nga sarap ata!

Magdalo “comeback to the rescue” hindi subok lang baka sakali.

viii.

Pilipinas ay nabubugbog, mamayan niya’y nalalasog.

Di na matatapos kundi’y iikot, babaligtad trapo’y uusod.

May ilang magpapabango, mayroon din ang umaantot.

Hindi na makakaalpas sa sinulat  nitong kasaysayan,

Pulitikong mahilig sa politicized na ginawang politicalized.

   

  

  • Other posts by M.R.Farala
  • Email this post to friends! Email this post to friends!

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!