Ang OFW/para sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa
Ang aking ama ay isang OFW
Isang masipag na manggagawa
Ginagampanan niya bilang isang ama
Siya ang bumubuhay sa’min
Siya ang nagpapadala ng pera sa’min
At pang-gastos n gaming pamilya
Ngunit paano kung ang aking ama
Ito’y bumigay, nagkasakit oiniwan kami
Paano na kami?
Saan kami pupulutin?
Maghhihirap ang aming pamilya?
Hindi na kami makakapag-aral?
Hindi na buo an gaming pamilya?
Ang OFW ay may hangganan din
Sa una sagana sa maraming pera
Sa banding huli kami ay maghihirap
Ngunit hindi namin alam kung may hangganan ba ito
Habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang aming ama
Huwag hayaang sumobra ang aming gastos
Sa pangaraw-araw na pangpangangailangan
Mag-ipon ng pera at magsumikap magtrabaho
Upang kung sakaling ang hangganan ay dumating
Masaya pa ring mabuhay kasama ang boung pamilya.
Other posts by Ernesto Senga
Share this post with friends






March 25th, 2008 at 3:29 am
Dalawa ang komento ko sa tulang ito; Una sa nilalaman, ang OFW ay katumbas ng isang “RESPONSIBILIDAD” maging ama, ina o kapatid kaakibat din ito ng isang matinding “SAKRIPISYO” bakit? tulad ng tulang ito isang Ama na sumusuporta sa kanyang pamilya, anak na nangangamba na sakaling mawala na ang ama mawawala na ang lahat.
Ikalawa sa porma ng pagsulat, lantaran ang pagsulat ng mga salita, meron bahagi na hindi ko maintindihan na ukol ba kanino ang “mag-ipon ng pera at magsumikap magtrabaho” para sa pamilyang kumukuha ng suportang pinansyal o sa amang kumakayod? Sa iyong murang edad sanayin mo, na gumamit ng malalalim na salita ng sa gayon magkaroon ng ritmo ang mga kataga.
Salamat.