buhay abroad…
Kayhirap ng buhay sa bansang sinilangan
Laging kapos sa pera’t pangangailangan
Kahit masakit na ang pamilya’y iwanan
Ako’y napilitan dahil ito’y kinakailangan
Kaya sa gitnang silangan ako’y napadpad
Ang aking kapalaran ay dito nilipad
dito ko susubukin ang guhit ng palad
dito sana ‘y mga pangarap ko’y matupad
akala noong una’y kay sarap ng buhay abroad
ngunit kay hirap pala ng buhay abroad
ibayong tiis ang iyong kinakailangan
upang ang lungkot ay aking malagpasan
konting tiyaga yan ang sabi sa sarili
upang mga pangarap ko’y aking matupad
sa araw-araw mga dasal sana’y pakinggan
upang sa buhay abroad nawa’y magtagumpay .
Other posts by marcelino mallari
Share this post with friends





