Patak-Patak
Mula sa itaas,
parang isang kulambong ng ulap
ang tumatakip sa kaniya.
Nguni’t sa paglapit, parang kuwitis
na sumabog ang mga langaw palayo sa kaniya
tungo sa kisame, sa mga dingding, sa pintuan
At natambad siya na dadaluyong
sa iyong pang-amoy, panlasa
at manunuot sa iyo hanggang sikmura.
Dapat sana’y tinabunan na siya ng lupa
upang alingasaw niya’y hindi na manakit
ng iba kung saan kitang-kita
kung mayroong nasira ang tiyan o wala
mula sa mga patak-patak na naipon
sa kaniyang suson-suson na malapot na tumpok.
Other posts by JoelJosol
Share this post with friends




