Ang Makatang Nadatnan ng Brown-out
Brown-out habang pinagtatagpi-tagpi ko ang bawat hibla
ng aking nobela. Nararamdamang hindi ko na kayang dugtungan
ang naghihingalo niyang mga tagpo. Ako man din ay iindap-indap
tila pundidong bombilya na sawa na paghahagilap ng liwanag
sa gitna ng kulay-putik na kapaligiran. Nais kong mamahinga
ngayong gabi. Mananaginip ng isang kabanata. Kung hindi
papalarin at muling mag-brown-out, hahayaan kong isuot ang
barong pamburol. At muli ay susubukang hanapin sa ilalim
ng kinatatayuan ang karugtong na aking kuwentong hindi natatapos.
Laging brown-out. Hihintayin ko pa rin ang pagbalik ng kuryente
kahit wala nang kuwenta ang aking mga kuwento. Nakakatawang
isipin na ganito pala ang isang makatang nangangapa.
Kawawa pa sa mga pinakakawawang dinaanan ng lindol at bagyo,
ng baha at delubyo. Hay, naku! Ngayon, ako’y magkakamot at nauutot.
Other posts by Jack Alvarez
Share this post with friends






May 5th, 2008 at 10:00 pm
G. Jack, da best tong tula mong ‘to. Nagustuhan ko po ang mga salitang ginamit mo at pagkakaugnay ng mga pangungusap. Maganda rin ang tema, hindi nakakasawa. Para sa akin, (sa akin lang po) hindi bagay ung huling sentence, hehe. Pero ok pa din. Thanks.