Biyaheng Langit
Sa sandaling ika’y dumidikit ako’y naaakit
Sa twina’y ligaya pag ika’y kadikit
Mga mata’y hindi mapigil sa pagpikit
ninanamnam ang tamis ng bawat saglit
sana naman hindi ka maging manhid
sa nararamdaman ko pag iyong nabatid
puso’y tinatanaw ka sa’yong pagtawid
hanggang sa bahay nyo’y ika’y inihahatid
habang paalis ang dyipning sinasakyan
ramdam ko ang init sa upuang iyong iniwan
sana’y makauwi kang ligtas sa inyong tahanan
upang bukas muli ay magkasabay sa sasakyan
sana’y ‘wag mong iwan sa biyaheng mag-isa
pag iyong nalaman ang tunay na nadarama
sana sa biyaheng langit ika’y makasama
upang sa altar ng pag-ibig kita’y maidala…
Other posts by marcelino mallari
Share this post with friends





