«  ARCHIVES Today's date:


Tubig

by Ernesto Senga

Tubig…

Malinis at malinaw

Puwedeng gamitin ninuman.

Kailangan ito ng tao…

Kailangan ito ng hayop…

Kailangan ito ng puno…

Kailangan ito ng halaman at bulaklak…

Ito’y kailangan ng lahat.

Paano kung ang tubig ay mawala sa daigdig?

Dahil sa mga mapang-abusong mga nilalang…

Ano ang gagamitin natin?

Ngayon pa lamang,

Magtipid tayo sa tubig

Ingatan ang regalong bigay ng kalikasan

Upang sa bandang huli, tayo’y makinabang.

  • Other posts by Ernesto Senga
  • Email this post to friends! Email this post to friends!

    One Response to “Tubig”

    1. Fermin Salvador says:

      maganda ang tula. parang simple pero mabisang naisasaad ang kahalagahan ng paksa upang madaling maramdaman ang mensahe. kabilang ito sa mga tulang puwedeng gamiting slogan upang isulong ang paksang tinatalakay.

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!