Tanong ng aking puso?
Ika’y bituin..
Ngunit nasaan ang iyong ningning?
Sa iba’y, ika’y makinang
Ngunit bakit hindi maramdaman
Ang sinasabi nilang kinang?
Sa iba’y, ika’y matagumpay
Ngunit bakit di maramdaman
Ang sinasabi nilang tagumpay?
Saan ang kulang?
Sino ang kulang?
Ano ang kulang?
Ano pa ba ang dahilan?
Bakit hangang ngayo’y
Walang pa ring kapayapaan?
Bakit para sa iyo’y ang gabi’y
Parang kay haba?
Bakit ang mga mata’y
Walang tigil sa pagluha?
Asan ang sinasabi nilang kinang?
Asan sinasabi nilang tikas
Ng iyong pangangatawan?
Bakit tila baga;
Tuwina’y nababalutan
Ng dilim ng kalawakan,
Ang iyong tunay na kaanyuan…
Sino ka nga bang talaga?
Ano ka nga bang talaga?
Kay tagal na ng panahon,
Ngunit hangang ngayo’y
Di pa lubusang kilala.
Kaharap mo ang salamin,
Ngunit bakit hindi mo
Mabanaag ang iyong
Tunay na kaanyuan?
Kaanyuang kay tagal
Mo ng hinahanap-hanap
Nguni’t hangang ngayo’y
Hindi pa din maapuhap…
Other posts by Ilor
Share this post with friends




