Taga sa Panahon
Mga nagdaaang araw, buwan at taon sa iyong buhay,
Kasabay din ng pag-anod ng iyong kapalaran.
Mga pangyayaring naghatid ng labis na kalungkutan,
At mga kasawian na bitbit mo
Simula noong ika’y musmos pa lamang.
At ngayon nga… isa ka ng nilalang
Na binuo at hinubog ng sarili mong kasaysayan…
Mga kasaysayan na nagtuwid
At nagsilbing daan
Upang lalong lumaban,
Sa mga dagok ng kapalaran…
Tama na… Sobra na…
Mga kagaguhang pinag-gagawa mo,
At mga paniniwalang nakuha,
Sa mga hunghang na nakasama mo…
Aaah, panahon na… Para sarili’y isipin
Pangarap na mataas,
Na imposible kung iisipin.
Kahit salat sa kayamanan,
At di sapat ang kaalamanan.
E ano ba… lahat naman tayo’y
Nagsimula sa blankong isipan
lahat naman tayo’y pinanganak
Na walang baro’t salawal…
Kung noo’y sinubukan mo,
Mga katarantaduhan
Na batid mo namang
Walang patutunguhan
Bakit di mo naman kaya subukan,
Ang iyong tapang at tikas
Upang panibagong hamon ng buhay
Ay iyong malagpasan…
Other posts by Ilor
Email this post to friends!




November 1st, 2007 at 6:08 pm
maraming salamat kaibigan.
ito’y isang tula na tunay na patotoo.
November 1st, 2007 at 5:59 pm
napakahusay! nadadama ang sinsiredad ng bawat kataga.