Yosi kadiri…
Mahigit isang dekada
Na kitang kaulayaw
Halo’s buong buhay ko’y
Kilalang kilala mo na…
Sa aking malikot na isip
Palagiang kang sumasabay
Sa bawat lungkot at saya
Hindi pwedeng hindi ka kasama.
Hangang sa aking pagtulog
Wala kang sawang naka istambay,
Doon sa may gilidan ng aking munting kama.
Kaya’t sa aking pagmulat
Para kang tukso na laging aandap-andap
Pero sabi nila
Ikaw daw ay kay laking pahamak;
Siguro nga… dahil marami ka ng pinahamak,
lahat ng iyong matalik na kaibigan
Ay hinding-hindi ka nila maaaring kalimutan,
Hindi dahil sa ika’y naging tapat na kaibigan
Kundi dahil ika’y
Naging salot ng kanilang kalusugan.
Ngayo’y sira na ang kanilang hingahan;
Dahil mga sariwang baga’y,
Nabalutan na ng mga nikotinang salot ng kalusugan..
Other posts by Ilor
Share this post with friends




