020810 naalaala kita sinta
ningning ng labi sa sinag araw
ngiting kay tamis nakikiulayaw
sa himig, sa simoy dinuduyan
tinatakamtakam aking katawan
may galak aking naramdaman
na pumapainlanlang sa kalooban
nagdudulot ng ginhawa’t pangarap
nagbubukas ng aking mga palad
nangingilid aking mga luha
pagpikit ko, kilay ko’y nabasa
at tuluyang bumitaw; malaya
habang naalaala kita sinta
- 030310 kanina lang - 4th March 2010
- 022210 wishing those are for me - 23rd February 2010
- 022010 i'm aware of ... - 21st February 2010
- 021910 it must be me - 20th February 2010
- 021310 happy valentine's day - 14th February 2010

