Bakit ba tipong ‘pag alam ko Na darating ka, biglang hindi natutuloy? Bakit ba kapag nararamdaman ko Na sasabihin mo rin na gusto mo ako,
Wala kang ganoon na nasasabi? Oo, siguro nga. Sadyang umaasa ako sa hangin na baka meron. Na baka pwede. Na baka nga siguro… meron ka rin para sa akin.
E sa dinami-dami din ng napag-usapan naten, Sino bang hindi mag-iisip ng ganito? Sino bang hindi makakaramdam ng kung anong Nararamdaman ko?
Oo, hangin. Sa hangin ka lang mahilig umamin.
Ako, halata na nga e. Ikaw? Wala pa din nababanggit. Sampal sa mukha ko ang ginagawa mo, Napapahiya sa bawat eksenang kasama mo ako. Sampal na masakit, na mahapdi. Dahil iniisip ko, may gusto ka rin.
Sa tagal ba naman ng oras naten na magkausap, Inakala kong ganon.
Sampal sa mukha ko, Akala ko may nadarama ka ring ganito.
Sampal sa mukha ko, Umaasa sayo, umaasa sa tulad mong isang gago.
Duwag umamin. O sadyang nagpapaasa lang. Di ako si babaeng tanga para habulin ka. Kung ayaw mo, at takot ka gumalaw, Walang namimilit.
Statistics
No. of contributors = 404
No. of entries in archives = 6,862
Writers Latest Posts Check out writers' recent posts.
-->
About emanilapoetry emanilapoetry formally opened on 19 June 2005 and is an online community of more than 400 writers and poets from various countries. As at 28 Sept 2007, this site has more 6,862 poem entries in archives.