MY PROFILE Alexander Martin Remollino Alexander Martin Remollino
Isinilang si Alex noong 1977 sa Mandaluyong, kung saan matatagpuan ang National Center for Mental Health (NCMH), ngunit naipagmamalaki niyang hindi siya baliw na tulad ng maraming taong hindi nadadala sa naturang pagamutang sikiyatriko -- na hindi iilan ang lalong baliw pa sa mga pasyente roon.
Mula 1994 hanggang 1998 ay nag-aral siya ng Legal Management sa University of Santo Tomas (UST), subalit iba ang napag-interesan niya.
Siya ang pangkalahatang kalihim ng Kilometer 64, isang samahan ng mga progresibong makata at ng mga may hilig sa panulaang makabayan at makalipunan. Ang naturang grupo'y nakapaglabas na ng ilang koleksiyon ng mga tula nito -- kabilang ang 40: Mga Tulang Alay sa mga Martir na Kabataan. Ang Kilometer 64 ay kasapi ng Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria).
Isa siya sa mga “salarin” sa likod ng Tuparin Natin ang Banta ng Ating Panahon, isang music video na produksiyon ng ARREST Gloria, na nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa kategoryang Animation ng Ika-18 Gawad CCP para sa Alternatibong Pelikula at Video (2006).
Ginamit sa naturang bidyo ang tula niyang may gayunding pamagat, na nilapatan ng musika ni Bobby Balingit at binigkas ni Lourd de Veyra. Kagagawan ng Southern Tagalog Exposure at ni Teta Tulay ang animation at sound mix.
Lumalabas din ang kanyang mga tula sa iba pang publikasyon, tulad ng Dalityapi Unpoemed at QC Indymedia.
Sumusulat din ng tula sa Ingles, may ilan din siyang tula sa website ng Poets Against the War. Ilan sa kanyang mga tula ang naisama sa Slam the Body Politik, isang antolohiyang multi-media CD ROM na lumabas sa Australya noong 2004.
Isa ring peryodista, regular siyang nagsusulat sa Bulatlat. Kasapi siya ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at noong 2003 ay lumahok sa kampanyang Media for Peace.
Isa rin siyang fellow ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), at kabilang siya sa mga may-akda ng librong Subverting the People's Will: The May 10, 2004 Elections na inilabas ng naturang institusyon noong Disyembre 2004.
Statistics
No. of contributors = 404
No. of entries in archives = 6,862
Writers Latest Posts Check out writers' recent posts.
-->
About emanilapoetry emanilapoetry formally opened on 19 June 2005 and is an online community of more than 400 writers and poets from various countries. As at 28 Sept 2007, this site has more 6,862 poem entries in archives.